TINGNAN: Alcohol dispenser na gawa sa kawayan, alok sa Cavite
Original Article by Head Topics
Date: August 20, 2020
Ayon kay Catherine Diquit, may-ari ng Likhang Maragondon, nilunsad nila ang produkto nitong Hulyo 24 na disenyo ni JP Igos bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.“When the pandemic began, we knew we had to shift our products to the new demand of the market. Kaya, when we saw the need for alcohol/sanitizer dispensers we thought of manufacturing our own eco-friendly version, kasi we are the bamboo capital of Cavite,” sinabi ni Diquit sa ABS-CBN News.
“Dahil sa pandemic, we really tried na gumawa ng nababagay sa new normal just to be able to fulfill our commitment to support the livelihood of our kababayans,” dagdag pa niya.Kwento ni Diquit, nakatutulong ito sa hanapbuhay ng mga bamboo craftsmen sa kanilang lugar.
“Ang mga bamboo craftsmen ay gumagawa sa Bamboo Shared Service Facility na pinagkaloob ng [Department of Trade and Industry.] Ang main craftsmen ay nagwo-work under sa [local government unit (LGU)],” ani Diquit.“Bukod sa kanilang sweldo, meron silang additional na parte sa bawat nabebenta naming dispenser. At dahil nga under sila ng LGU, kumikita din mismo ang bayan ng Maragondon na isang 3rd class municipality,” dagdag pa niya.
“Masaya ako na nakakatulong sa aking mga kababayan. I think that we all have the responsibility to help and inspire other people in whatever way possible. It doesn’t matter kung ano ang edad mo or antas mo sa buhay. We can all help."Aniya, kailangan lang minsan na may taong naniniwala sa kakayahan ng ating mga kababayan.
"They just need to be empowered and let them know that they are not alone, may handang tumulong,” sabi ni Diquit.Marami rin, aniya, ang natuwa sa kanilang produkto mula sa loob at labas ng bansa. “They like it because it’s eco-friendly at hindi kailangan ng kuryente. Bukod dito, karamihan sa kanila ay natutuwa na ang pagtangkilik dito ay nakakatulong sa mga bamboo craftsmen ng Maragondon at sa amin mismong LGU,” aniya.
“Maraming gustong um-order mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at mula sa ibang bansa.” Para sa mga interesado sa produkto, sumangguni lamang sa Likhang Maragondon Facebook page, ani Diquit.